Binigyan ng pasang-awa na grado ni opposition Senator Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-isandaang araw sa panunungkulan bilang pinakamataas na lider ng bansa.
Ayon kay De Lima, masyadong nakatuon na lamang ang Pangulo sa kampanya kontra ilegal na droga at nakalimutan na nito ang iba pang aspeto ng pamamahala sa gobyerno katulad ng kahirapan, traffic nightmare sa Metro Manila at pambansang ekonomiya.
Sinang-ayunan din ng Senadora ang ibinigay ni Duterte na grado sa sarili nito na 6 out of 10 self rating.
Ayon sa mambatatas na pangunahing kritiko ng pangulo, masyado nang “obsessed” ang punong ehekutibo sa war on drugs.
Bagaman wala aniya masama sa determinasyon ng Presidente na lipulin ang mga sangkot sa droga, hindi rin aniya nito dapat kinalimutan ang iba pang isyu ng taumbayan.
By: Mariboy Ysibido