Sa ngalan, aniya, ng delikadesa, dapat umanong dumistansya si Senadora Leila De Lima sa isinasagawang legislative inquiry ng Senado kaugnay sa pagkakapatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa habang nakapiit ito sa Sub Provincial jail Ng baybay City sa Leyte.
Ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, dapat mag-inhibit si De Lima sa nasabing hearing upang huwag mapagdudahan sa tunay nitong interest.
Matatandaang isa si De Lima sa mga pinangalanan ni Mayor Espinosa na tumatanggap ng drug money mula sa anak nitong si Kerwin.
Naniniwala si Aguirre na hindi magandang tingnan na nakikisawsaw si De Lima sa hearing gayung isa siya sa sinasabing protektor ng iligal na droga.
Sa sinumpaang affidavit ni Mayor Espinosa, nakatala bilang unang personalidad si De Lima na umano’y binibigyan ng payola ni Kerwin bilang proteksyon na rin sa gawain nito sa pagbebenta ng iligal na droga sa Eastern Visayas.
By: Avee Devierte / Bert Mozo