Nais lamang ni Senadora Leila de Lima na bumuwelta kay Pangulong Duterte dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug operations sa New Bilibid Prison.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinalulutang lamang ni De Lima na biktima siya at hindi isang akusado.
Ayon kay Abella, dahil sa ginagawang pag-iingay ni De Lima, gusto nitong makakuha ng media attention.
Matatandaang sa kanyang press conference, inakusahan pa nito ang Pangulo na isang berdugo at pasimuno ng umano’y extrajudicial killing sa bansa dahil sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na operasyon ng droga sa bansa.
Naghain ng Writ of Habeas Data sa Korte Suprema si De Lima para mahadlangan ang ginagawang pangangalap ng dokumento at ebidensiya ng Department of Justice na maaaring madiin ang Senadora sa isyu ng illegal drug operations sa New Bilibid Prison.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping