Pinawi ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang pangambang mapatawan ng parusang bitay si Senadora Leila De Lima.
Ito’y sa sandaling mapatunayan ng korte na nagkasala si De Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na droga kung maisasabatas ang muling pagbabalik ng parusang bitay.
Ayon kay Umali, hindi retroactive ang pagpapataw ng parusa dahil labag ito sa itinatadhana ng batas.
Magugunitang magkaibigan at dating magkasama sa Liberal Party sina Umali at De Lima
PAKINGGAN: Tinig ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali sa panayam ng DWIZ
By Jaymark Dagala