Iginiit ni Senadora Leila de Lima na walang basehan para parusahan siya kung dahil lang sa pagpapayo sa kanyang dating driver-bodyguard na huwag tumestigo laban sa kanya.
Ito ang binigyang-diin ni De Lima sa tugon na isinumite niya sa Ethics Committee kasabay ng kanyang kahilingan na ibasura ang Ethics Complaint na isinampa laban sa kanya ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali.
Sa kanyang counter affidavit, ipinaliwanag ni De Lima na pinigilan niyang humarap sa pagdinig ng Kamara noon ang dati niyang driver bodyguard na si Ronnie Dayan dahil wala naman aniyang katwiran ang imbestigasyon sa umano’y kaugnayan niya sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Dagdag pa ni De Lima, pinayuhan lamang niya si Dayan sa pamamagitan ng isang text message sa kanyang anak kung saan sinabi niyang magtago na siya dahil pagpipyestahan lamang siya kung sisipot sa pagdinig na kagagawan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez.
By: Avee Devierte / Cely Bueno