Inamin ni Senadora Leila de Lima na hindi niya nakaharap ang notary public officer na si Atty. Maria Cecile Cabalo .
Ito’y nang lagdaan ng Senadora ang kaniyang inihaing verification at certification against forum shopping kasabay ng kaniyang inihaing petisyon sa Korte Suprema nuong Pebrero 24.
Paliwanag ni De Lima sa kaniyang memoranda, hindi maganda ang kaniyang kondisyon at wala siya sa tamang huwisyo dahil sa kaniyang pagkaka-aresto at pagkakapiit sa Kampo Crame.
Gayunman, nanindigan si De Lima na may bisa ang nasabing dokumento dahil sa ito’y genuin o tunay at walang pagkakaiba kaniyang isinumite sa high tribunal dahil ginawa naman ni Atty. Cabalo ang lahat ng dapat gawin upang i-verify ang mga dokumento maging ang kaniyang lagda.
Magugunitang mainit na tinalakay sa oral arguments ang umano’y depekto sa notaryo sa petisyon ni De Lima dahil ang notaryo ay mahalagang rekisito sa mga inihaing kaso sa Korte Suprema.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo