Isinusulong ni Senador Leila De Lima ang pagkakaroon ng tax free hazard pay para mga opisyal ng korte.
Sa ilalim ng Senate Bill 1347 o ang “Hazard Pay for Justice Sector Officials Act,” makakatanggap ng hazard pay na katumbas ng 15% ng kanilang buwanang sahod, ang mga judge, clerk, public prosecutor at mga abogado na nakatalaga sa “Risk – Adjacent” courts.
Layunin din ng naturang panukala na madagdagan ng 10% ang buwanang sahod ng mga opisyal na nasa second level courts katulad ng Regional Trial at Sharia Disctrict Courts na humahawak ng kasong kriminal.
Ang “Risk – Adjacent” courts ay ang mga nasa lugar na mayroong mataas na banta mula sa krminal, kalamidad at armadong sagupaan.
By Katrina Valle