Kinastigo ni Senadora Leila de Lima ang Administrasyong Duterte dahil sa pagtatalaga ng mga limitasyon sa United Nations at ibang mag-iimbestiga sa mga serye ng patayan sa bansa.
Taliwas, aniya, ang mga kundisyon ng pamahalaan sa malayang imbestigasyon na layong gawin ng mga aanyayahang ahensya sa labas ng pilipinas.
Ayon kay De Lima, censorship and control ang lumalabas sa mga restriction na ilalatag ng Department of Foreign Affairs.
Una nang kinuwestyon ni De Lima na pamahalaan umano ang magpapasya ng mga lugar na bibisitahin at mga taong kapapanayamin ng mga mag-iimbestiga hinggil sa isyu ng extrajudicial killings.
By: Avee Devierte