Umaasa si Senador Leila de Lima na ngayong naitalaga na si Mocha Uson bilang Assistant Secretary sa Presidential Communications Office, sana ay maging instrumento ito ng katotohanan sa halip na propaganda at maging responsable sa pangangalap ng mga impormasyon at balita, sa halip ng mga pekeng balita
Iginiit ni De Lima na ngayon ay hindi na private blogger o social media personality si Uson kundi isa na siyang public servant.
Kaugnay nito, hinimok ni De Lima si Uson na ipakitang modelo siya ng dignidad ng isang babae at isang public servant.
Makabubuti aniyang ingatan ni Uson na maging instrumento siya sa pagpapakalat ng kasinungalingan, maling impormasyon, maling direksyon, manipulation at doubletalk.
Iwasan din daw nitong maging sunud sunuran sa Pangulo na maaaring gamitin ang kanyang talento para ipersecute ang mga kalaban nito.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno