Muling hinimok ni Senadora Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na muling ikunsidera ang pangako ng Pilipinas sa nilagdaang Paris Agreement on Climate Change
Giit ng Senadora, naniniwala siyang malaki ang maitutulong sa bansa ng nasabing kasunduan dahil maliban sa Financial Aide, mayruon ding technology transfer at capacity building assistance para sa disaster mitigation na maihahatid sa bansa
Bilang pinuno ng estado, binigyang diin ni De Lima na dapat suportahan ng Pangulong Duterte ang kasunduang nilagdaan ng nakalipas na administrasyon upang mahikayat din ang iba pang mga bansa na lumagda rin sa kasunduan na suportahan ang Pilipinas sa pagkapanalo nito sa kaso laban sa China hinggil sa West Philippine Sea
Ipinaalala ni De Lima na pang-Apat ang Pilipinas sa mga bansang bantad sa kalamidad dulot ng Climate Change kaya’t dapat itong pag-isipan at aksyunan ng susunod na administrasyon
By: Jaymark Dagala