Naghain na ng resolusyon si Senador Leila de Lima para imbestigahan ang mga kaso ng Extrajudicial Killings at Summary Execution sa mga hinihinalang kriminal at sangkot sa iligal na droga
Sa Senate Resolution Number 9 na inihain ng Senadora, hiniling nito na ang kaniyang pamumunuang Committee on Justice ang siyang tumutok sa nasabing imbestigasyon
Layon aniya nitong palakasin ang mekanismo ng accountability ng mga law enforcers at makapagsulong ng mga kinakailangang batas para itaguyod ang karapatang pantao at karapatang mabuhay ng isang tao
Nakababahala aniya ang naitatalang kaso ng mga pagpatay sa mga suspect na umabot na sa Isandaan, Labing Tatlong araw mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte
Binigyang diin pa ng Senadora na mahalaga aniyang masimulan ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon para matuldukan na ang pang-aabuso ng mga alagad ng batas
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno