Nanawagan si Senadora Leila de Lima sa adminitrasyong Duterte na agad tulungan ang daang-daang mga Overseas Filipino Worker na nawalan ng trabaho sa Qatar bunsod ng diplomatic crisis sa Middle East.
Partikular na hinimok ni De Lima ang Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs na tulungan ang mga OFW’s sa Qatar, hindi lamang para makauwi sa Pilipinas kundi ang muli ring makapag-umpisa.
Iginiit ng Senadora, dapat matiyak na mabibigyan ng tulong para muling makahanap ng trabaho o makapagpatayo ng negosyo ang apektadong OFW’s sa Qatar.
Kasabay nito, hinimok din ni De Lima ang liderato ng Senado na kumilos na kaugnay ng kanyang inihaing resolusyon na humihiling sa pamahalaan na suriing mabuti ang epekto sa mga OFW’s sa Middle East ng diplomatic crisis sa Qatar.
Matatandaang, kinumpirma ng DOLE na mahigit 600 mga OFWsS sa Qatar ang nawalan ng trabaho kasunod ng tensyon sa pagitan ng nasabing bansa at pitong iba pang Arab Countries kabilang ang Saudi Arabia.
Posted by: Robert Eugenio