Pansamantalang nakalabas sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center si Senadora Leila de Lima.
Ito ay matapos na payagan ng korte ang kanyang hiling na isang araw na medical furlough.
Pasado alas-3:ng hapon kahapon nang makalabas si De Lima kasama ang ilang mga tauhan ng PNP at nagtungo sa Philippine Heart Center para makapagpa-check up.
Sumailalim din sa CT Scan ang Senadora matapos naman makitaan ng mass sa kanyang atay.
Agad namang ibinalik sa kanyang detention cell si De Lima matapos ang kanyang medical check up.