Personal na tinanggap ni Senador Leila De Lima ang parangal sa Amerika matapos mapabilang sa 100 Leading Global Thinkers for 2016.
Ang award kay De Lima ay ibinase sa mahigpit na pagtutok ng Senador sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.
Si De Lima ay ika-13 sa challenges category.
Kabilang sa pumasok sa 100 leading global thinkers for 2016 sina dating US State Secretary Hillary Clinton, German Chancellor Angela Merkel, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at dating United Nations Secretary General Ban Ki Moon.
By: Judith Larino / Cely Bueno