Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila De Lima ang Bribery Scandal sa BI o Bureau of Immigration.
Sa isang resolusyon, isinusulong nito na imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee
in Aid of Legislation ang umano’y tangkang panunuhol ni Chinese Businessman Jack Lam sa ilang Immigration Official kapalit ng pagpapalaya sa mahigit 1,300 Chinese worker sa Casino nito sa Pampanga.
Giit ng Senadora, maraming kwestyon sa naturang Bribery Scandal na mahalagang mabigyang-linaw.
Hindi, aniya, uubrang ipaubaya sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation o NBI ang pag-iimbestiga sa naturang isyu dahil kontrolado ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang Bureau of Immigration.
Dagdag pa ni De Lima, kaduda-duda ang kawalan ng agarang aksyon ni Aguirre sa kaso ni Lam.
By: Avee Devierte / Cely Bueno