Kinatigan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hirit na makapagpatingin sa ospital o medical furlough ni Senadora Leila de Lima.
Batay sa inilabas na desisyon ng branch, naghain ng mosyon si De Lima na makalabas ng kaniyang piitan sa PNP Custodial Center para ipasuri ang namuong bukol sa kaniyang atay.
Pebrero 26 pa inihain ang nasabing hiling sa korte subalit nitong Marso 6 lang umano inilabas ang nasabing desisyon subalit bingyang diin ng korte na isang araw lamang maaaring magpatingin ang Senadora.
Bagama’t walang tinukoy na petsa ang korte hinggil sa kung kailan magpapatingin si De Lima sa Philippine Heart Center, sinabi sa DWIZ ng isang source na sa Lunes, Marso 12 nakatakda ang check up ng Senadora.