Pumalag si Sen. Leila De Lima sa paninisi ni Solicitor General Jose Calida sa kanya, hinggil sa paglala ng problema sa droga.
Sinabi ni De Lima na makabubuting balikan ng Solgen ang kanyang mga nagawa sa Department of Justice, katulad nalang ng kanilang operasyon sa National Bilibid Prison.
Aminado si De Lima na maaring ipilit ng pamahalaan na kasuhan siya ng pagkakanlong sa drug lords, subalit ito ay mababale wala dahil wala siyang kinalaman sa operasyon ng droga.
Tiniyak din ni De Lima na kanyang itutuloy ang pagsusulong ng imbestigasyon sa Senado sa pagdami ng mga napapatay na hinihinalang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.
By: Katrina Valle