Sinulatan ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga alipores na tigilan na nila ang pang-iinsulto sa katalinuhan ng publiko at panloloko sa taumabayan at buong mundo.
Sa sulat-kamay na liham, partikular na pinatungkulan ng Senadora ang mga tagapagtanggol ng Pangulo na nagsasabing walang kinalaman ang pamahalaan sa mga serye ng pagpatay sa mga drug suspect.
Sinabi ni de LIMA na ang katotohan ang unang biktima sa gyera ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ayon sa Senadora, sa takdang panahon, mananagot ang Pangulo at ang mga sumusunod sa kanyang utos na pumatay at mag-imbeto ng mga ebidensya.
Samantala, una rito, gumawa rin ng sulat-kamay na liham si De Lima para sa kanyang pamilya kung saan sinabi niyang nangangamba siya para sa kanyang buhay habang nakakulong sa PNP Custodial Center.
By: Avee Devierte / Cely Bueno