Itinuturing ng Duterte Administration na public enemy number 1 si Senadora Leila De Lima.
Ayon kay Solicitor-General Jose Calida, hinayaan ni De Lima na mamayagpag ang illegal drugs trade sa New Bilibid Prison habang siya ang nakaupong Justice Secretary.
Tungkulin anya ni De Lima na ipatigil ang pagkalat ng iligal na droga subalit hindi ito nangyari bagkus ay lalong lumawak ang epekto nito sa bansa.
Bukod dito, mayroon pang isinampang test case si De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte para subukan ang immunity from suit ng Presidente at iginiit na maglabas ng writ of habeas data ang korte.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping