Umaasa si Senador Leila de Lima na masisimulan na ang imbestigasyon hinggil sa serye ng pagpatay sa mga drug suspect sa Ikalawa o Ikatlong linggo ng Agosto.
Ayon kay De Lima, kasalukuyan pa silang nasa proseso ng pagdetermina kung paano isasagawa ang imbestigasyon.
Ang Justice and Human Rights Committee na pinamumunuan ni De Lima ang Primary Committee na magsisiyasat sa naturang usapin.
Habang ang Public Order and Illegal Drugs na pinamumunuan naman ni Senador Panfilo Lacson ang magsisilbing Secondary Committee na hahawak sa isyu.
By: Meann Tanbio