Naalarma si Senador Leila de Lima sa posibilidad na sumuko o bumigay ang hudikatura sa pampi-pressure ng Malacanang matapos mapawalang-sala si Janet Lim Napoles sa kasong serious illegal detention.
Ayon kay De Lima, kapag dumating na ang araw na tumigil na ang hudikatura na umakto alinsunod sa hustisya at sa halip ay hinayaan na nilang madiktahan ng ehekutibo, magiging opisyal na ang dictatorship sa bansa.
Giit ng Senadora, mawawala na ang natitirang demokrasya sa bansa oras na ang mga hukom sa mga korte ay bumigay sa pampi-pressure ng Palasyo.
Kaugnay nito, umapela si De Lima sa mga hukom at mahistrado na huwag hayaang ma-bully ng Pangulo sa pamamagitan ng pag-i-isyu ng mga hindi makatwirang judgement sa mga kaso.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno