Nais ni Senador Ronald Dela Rosa na humingi ng tulong sa supreme court para linawin kung may hurisdiksyon pa rin ang International Criminal Court sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pahayag na posibleng maharap si Dela Rosa sa arrest warrant mula sa ICC kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Senador Dela Rosa, “wala siyang problema” Kung ang SC ang magdesisyon na ang bansa ay mananatili sa hurisdiksyon ng international court.
Aniya, hindi siya natatakot para sa kaniyang sarili.
Gayunman, binigyang-diin pa ng Senador na dapat igalang ng pamahalaan ang desisyon kung iba ang desisyon ng korte suprema. – Sa panulat ni Jeraline Doinog