Kinumpirma mismo ni Senator Ronald dela Rosa na wala sa narco-list si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala sa anumang drug watchlist ang pangalan ni Pangulong Marcos noong panahon niya bilang PNP chief.
Salungat ito sa akusasyon ni dating Pangulong Duterte na matatandaang iginiit na nasa naturang listahan ang kasalukuyang pangulo.
Sang-ayon ang pahayag ni Sen. dela Rosa sa naunang ulat na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi kailanman napabilang si Pangulong Marcos sa kahit anong illegal drug database ng ahensya.