Nakukulangan si Senador Ronald Dela Rosa sa naging performance ng administrasyong Marcos para sa taong 2024.
Partikular na tinukoy ng Senador ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga dahil ngayon ay bumabalik na aniya ang mga drug user at ‘tila hinahamon pa ang gobyerno.
Samantala, sinabi naman ng Senador na maayos ang pagpapatakbo ng administrasyon pagdating sa sektor ng ekonomiya.
Sa kabilang banda, kuntento naman ang Senador sa naging performance ng Senado bagama’t hindi naisulong ang ilan niyang panukala tulad ng Mandatory ROTC at pagpapalit ng lider ng Senado. – Sa panulat ni Laica Cuevas