Bumuti na ang kalagayan at nakalabas na ng ospital si Sen. Ronald Dela Rosa matapos tamaan ng COVID-19.
Gayunman, ayon kay Dela Rosa, kahit nasa bahay na siya ay patuloy pa rin siyang imo-monitor at muling isasalang sa COVID-19 test upang matukoy kung tuluyan na siyang nakarekober mula sa sakit.
Ayon sa senador, wala na siyang nararamdamang mga sintomas matapos maospital ng halos isang linggo nang makaranas ng lagnat, ubo at sipon.
Matatandaang tinamaan din ng coronavirus ang iba pang mga senador na sina Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aquilino “Koko” Pimentel III at Ramon “Bong” Revilla Jr.