Aminado si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na tiyak na maaaprubahan ang hirit sa Kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao.
Ito, ayon kay Drilon, ay dahil kaalyado ni Pangulong Duterte ang mayorya ng mga Senador at Kongresista.
Kumbinsido rin si Drilon at Senador Kiko Pangilinan na may pangangailangan para sa extension ng batas militar subalit ang mahigpit na pagtatalunan ay duration o kung gaano katagal ang extension at dapat limitahan ang saklaw nito.
Samantala, nais namang malinawan ng mga mambabatas mula sa Liberal Party sa isasagawang joint session bukas kung bakit 5 buwan ang kailangang extension ng batas militar.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
Sen. Drilon aminadong tiyak na maaprubahan ang ML extension was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882