Handa na si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon at kanyang mga kaalyado sa Senado na labanan ang death penalty bill.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Drilon na lalabanan nila ng kanyang kapwa Liberal Party Member at mga kaalyado rin sa minorya ang planong babaan ang edad ng criminal responsibility.
Iginiit ni Drilon, naniniwala sila ng kanyang mga kaalyado na hindi epektibong paraan ang parusang kamatayan para mapigilan ang mga krimen kahit pa may kaugnayan sa iligal na droga.
Sinabi ng Senate Minority Floor Leader na malalagay lang sa alanganin ang mga mahihirap kapag nakapasang muli ang parusang kamatayan dahil sila ang nagiging biktima ng ganitong malupit na parusa lalo pa’t depektibo, aniya, ang judicial system ng pilipinas.
By: Avee Devierte / Cely Bueno