Umapela sa mga Overseas Filipino Worker si Senate President Franklin Drilon na magpa rehistro at bumoto sa darating na presidential elections.
Ito ay kasunod ng mababang bilang ng mga OFW na lumalahok sa mga nakalipas na halalan.
Ayon kay Drilon, mahalagang gamitin ng mga OFW ang kanilang karapatan na pumili ng karapat – dapat na bagong lider ng bansa.
Para sa darating na presidential elections, humingi ang Commission on Elections (COMELEC) ng 200 milyong pisong pondo, para sa overseas absentee voting.
By: Katrina Valle | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)