Idinepensa ni Liberal Party Vice Chairman at Senate President Franklin Drilon ang resulta ng isang survey kung saan nangibabaw si Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas laban kay Vice President Jejomar Binay.
Ito’y sa harap na rin ng mga batikos na masyadong self-serving ang survey na kinumisyon ng Liberal Party.
Subalit, paliwanag ni Drilon, kahit na ang kanilang partido ang nagkomisyon, hindi ibig sabihin ay lolokohin na nila ang resulta nito.
Ayon kay Drilon, kaya one-on-one lang sina Roxas at Binay sa naturang survey ay dahil silang dalawa pa lamang ang deklaradong tatakbo sa 2016 presidential elections.
By: Jelbert Perdez | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)