Kinuwestiyon ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang kasong iniharap ng Department of Transportation o DOTr laban sa mga dating miyembro ng gabinete ng Aquino adminstration.
Kaugnay ito ng kasong plunder na inihain laban kina dating Department of Transportation and Communication o DOTC Secretary Jun Abaya, Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mar Roxas at iba na may kinalaman sa maintenance contract ng Metro Rail Transit o MRT.
Ayon kay Drilon, hindi niya maunawan kung bakit plunder ang isinampa ng DOTr gayung isa sa elements of crime ng naturang kaso ay ang personal na kumita ang mga akusado ng 50 milyong piso sa mga proyekto ng pamahalaan.
Gayunman tiwala si Drilon na mapapawalang sala ang mga ito.
Kasabay nito, pinayuhan ni Drilon ang DOTr na humanap na lamang ng solusyon sa problema sa MRT sa halip na manisi at magpalusot.
—-