Batid na ni Senate President Koko Pimentel ang kapalaran ng death penalty bill sa Senado at iyon aniya ay ang hindi paglusot niyon.
Ito ang tingin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa dahilang hindi na man isinama sa legislative agenda ng Senado ang panukalang pagbabalik sa parusang bitay.
Giit ni drilon, alam ni Pimentel na walang suportang makukuha mula sa mayorya ng mga Senador ang nasabing panukala at maging ang Senate President din aniya ay hindi naniniwalang may pangangailangang gawin iyon.
Una nang nagpahayag si Pimentel na matindi ang magiging labanan sa nasabing panukala sa Senado at bukas din siya sa death penalty basta’t lilimitahan iyon sa mga pinakamatitinding krimen na may kinalaman sa droga.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno