Tanging ang Kongreso lamang ang makapagtatakda kung anong paraan ang gagamitin nito sa pag-amiyenda sa saligang batas
Ayon kay Senate Presidente Pro – Tempore Franklin Drilon, hindi tulad ng ordinaryong batas, hindi na daraan sa Pangulo ang pag-apruba sa resolusyong nananawagan para sa Constitutional Convention o Constitutional Assembly
Sa huli, sinabi ni Drilon na ang taumbayan ang siyang magpapasa sa dakong huli kung kanilang raratipikahan o hindi ang pag-amiyenda sa konstitusyon
Una rito, naghain na ng resolusyon si Drilon na nagsusulong para sa Constitutional Convention na pamamaraan sa pagbabago ng Saligang Batas
By: Jaymark Dagala