Inamin ni Senate President Franklin Drilon na minadali ng Commission on Appointments o CA ang pagkumpirma kay Commission on Elections Chairman Andy Bautista.
Ayon kay Drilon, ito’y dahil kailangan ang stable leadership sa poll body dahil na rin sa mahalagang papel na gagampanan nito sa 2016 elections.
Bukod kay Bautista, kasabay ding isinalang sa confirmatory hearing sa senado si Department of Interior and Local Government Secretary Miel Senen Sarmiento.
By: Jelbert Perdez | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)