Iginiit ni Senate Committee on Local Government Chairman Joseph Victor “JV” Ejercito na dumaan sa tamang proseso ang 2025 national budget.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senador Ejercito, ito ay kasunod ng mga kontrobersiya na kumakalat na may mga blangkong item sa 2025 general appropriations act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Binigyang-diin ng Mambabatas na ang pambansang budget ay dumaan at sinuri nang maayos sa dalawang kapulungan ng Kongreso. – Sa panualt ni John Riz Calata