Kusa nang tatalima si Senador JV Ejercito sa kautusan ng Sandiganbayan matapos siyang patawan ng 90 araw na suspensyon.
Ito’y ayon sa Senador ay kahit wala pang inilalabas na desisyon ang rules committee ng Senador para ipatupad ang naging kautusan ng anti-graft court.
Giit ni Ejercito, ayaw na niyang makaladkad pa ang pangalan ng Senado sa anumang kontrobersiya kaya’t siya na mismo ang kusang magbabakasyon.
Magugunitang hiniling ng prosekusyon o ng Ombudsman sa anti-graft court na pagpaliwanagin ang Senado dahil sa hindi nito inaaksyunan ang naging desisyon ng Korte hinggil sa kasong graft na isinampa laban sa Senador.
Samantala, maglalahad muna ng kaniyang privilege speech si Ejercito bago ito magsimula sa kaniyang pagbabakasyon sa pagbabalik sesyon ng Senado sa Lunes.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno