Tutol si Senador JV Ejercito sa apila ng grupong Kadamay na gawing libre ang kanilang paninirahan sa housing units ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.
Iginiit ng senador na “unfair” ito para sa mga kababayan na kumakayod upang makabayad sa kanilang mga bahay sa kabila ng kahirapan.
Sinabi ni Ejercito na dapat maghanap ng kabuhayan ang mga grupo ng Kadamay upang may maipambayad sila sa mga inokupa nilang bahay.
Matatandaang ang mga pamilya ng pulis at sundalong nabigyan ng bahay sa Pandi ay nagbabayad ng P200.00 kada buwan.
“Halos lahat, karamihan, marami po ang sektor na nagta-trabaho, nagkakayod araw-araw para magkaroon ng sariling pabahay. Kahit yung mga low salaried government workers, yung mga nagta-trabaho, mga traffic enforcer at kahit mga street sweeper, lahat po nagta-trabaho upang ang kanilang panaginip at pangarap eh magkaroon ng sariling pabahay kaya para sa akin po kung sakali man na hindi talaga pwede ilibre, dapat pagtrabahuhan ho nila kung saka-sakali”, pahayag ni Senador JV Ejercito.
By Ralph Obina