Ikinalugod ni Senate Committee on Health Chairman JV Ejercito ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PHILHEALTH O.I.C. Celestina Maria Dela Serna.
Kaugnay ito sa kontrobersya sa PHILHEALTH tulad ng pagkalugi ng ahensya ng 4 Billion Pesos at kanyang sobra-sobrang biyahe at travel allowance.
Umaasa si Ejercito na ang ipinalit ng Pangulo kay Dela Serna na si Doctor Roy Ferrer ay eksperto sa financial management upang matiyak na magagamit sa tama ang pondo ng PHILHEALTH para sa medical benefits ng mga miembro nito.
Nakababahala anya ang kasalukuhang sitwasyon ng pananalapi ng ahensya at kahit sinibak na sa puwesto ay dapat isulong pa rin ang kaso laban kay Dela Serna maging sa mga dating PHILHEALTH official na sina dating Health Secretary Janette Garin at Alex Padilla.
Ito’y dahil lumilitaw na hindi napangasiwaan ng mga ito nang tama ang pondo ng PHILHEALTH kaya’t may mga nangangamba na maapektuhan ang medical benefits para sa mga miyembro.