Naglatag ng mga kondisyon si Senate Committee on Banks Chairman Francis Escudero bago pagpasiyahan ang pagkansela sa arrest order laban kay dating Commission on Elections Chairman Andy Bautista.
Ayon kay Escudero, dapat munang magsumite ng bank waiver o ng detalyadong affidavit si Bautista na naglalaman ng kanyang mga sagot sa lahat ng mga tanong laban sa kanya.
Sinabi pa ni Escudero, bagama’t mas magiging madali para sa kanilang kung pipirma sa waiver si Bautista ay posible naman ito magkaroon ng epekto sa mga kasong nakahain laban sa kanya sa Ombudsman at Sandiganbayan.
Magugunitang iniutos ng Senado ang pagpapaaresto kay Bautista noong nakaraang buwan matapos na makailang beses na mabigo itong dumalo sa pagdinig hinggil sa kanyang mga umano’y kuwestiyonableng bank accounts.
Samantala itinakda naman ang pagpapatuloy sa pagdinig ng Senate Committee on Banks sa Marso 19.