Kinundena ni Liberal Party Spokesperson Caloocan Rep. Egay Erice ang walang habas na paninira ni Vice Presidential candidate Francis “Chiz” Escudero kay LP Presidential candidate Mar Roxas bagaman binansagang “Chiz-mis” ang mga paratang ni Escudero laban sa pambato ng Daang Matuwid.
Inakusahan ni Escudero si Roxas nitong mga nakaraang araw bilang utak sa likod ng kasong disqualification laban sa kanyang running mate na si Sen. Grace poe.
Nagdesisyon ang COMELEC sa petisyong diskwalipikasyon na sinampa ni Atty. Estrella Elamparo laban kay Poe dahil kulang ito ng taon ng paninirahan sa Pilipinas na itinakda ng konstitusyon.
Ayon kay Erice nagtataka sila kay Senator ‘Chiz-Mis’ Escudero kung bakit hindi niya binabanggit ang kampo ni Vice President Binay, ganung alam naman ng buong Pilipinas na ang naglahad ng pagkakamali sa COC ni Senator Poe ay si Congressman Toby Tiangco na presidente ng United Nationalist Alliance ni Vice President binay.
By: Mariboy Ysibido