Tinututulan ni Sen. Chiz Escudero ang plano ni Magdalo Rep. Gary Alejano na dalhin sa ICC o International Criminal Court ang mga isyung nakapaloob sa kanyang nabasurang impeachment complaint.
Sinabi ni Escudero na bilang Pilipino, makabubuting resolbahin nalang muna dito sa bansa ang naturang mga usapin at huwag na itong gawing international issue.
Bagamat marami aniyang legal remedies para sa mga reklamo laban sa mga opisyal ng pamahalaan, na kay Alejano ang pagpapasya kung ano ang kanyang magiging susunod na hakbang.
By Katrina Valle / (With report from Cely Bueno)
Sen. Escudero tutol sa planong dalhin sa ICC ang impeachment case vs. Pangulong Duterte was last modified: May 17th, 2017 by DWIZ 882