Nilinaw ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang intensyon na ipa ban o’ ipagbawal sa bansa ang mga Korean telenovela
Ayon kay Estrada, dahil lang sa frustration sa humihinang telenovela at movie industry sa bansa kaya nya nabanggit nya sa hearing ng budget ng Film Development Council of the Phils o’ FDCP na minsan napapa isip siya na ipa ban ang Korean telenovela.
Giit ni Estrada, wala siyang anumang pagkontra sa Korean telenovelas sa katunayan marami anya tayong maaring matutunan sa mga pelikula at telenovela ng Korea.
Mahal daw nya ang sariling atin at nais lang nya na maproteksyunan ang ating mga artista na mahuhusay sa pag arte.
Ayon kay Estrada marami tayong magagaling na director, writer, photographer at artista na kung masusuportahan ay kayang kaya nating makipag kumpetensya internationally pagdating sa paggawa ng de kalidad na pelikula.
Para kay Estrada mahalaga na mabigyan ng suporta ng ating pamahalaan ang pelikulang Filipino na sa ngayon ay halos naghihingalo na.
Sinabi anya ni FDCP chairman Tirso Cruz III na nakita at naobserbahan nila nung magtungo sa South Korea na hindi lang pribadong sektor maging gobierno nila ay sumusuporta sa mga korean movie at telenovela.
Dapat anyang ganun din ang gawin sa ating local movie industry para muli itong sumigla.