Umaasa si Senator Francis Escudero na Vice Presidential running mate ni Senador Grace Poe na babaligtarin ng Supreme Court ang naunang desisyon ng Commission on Elections na idiskwalipika si Poe sa 2016 presidential elections.
Ito, ayon kay Escudero, ay upang maipagpatuloy na nila ni Poe ang kanilang kampanya nang walang iniisip na problema.
Malaki anya ang kanilang tiwala sa integridad at kaalaman ng mga mahistrado ng Korte Suprema upang tuluyan ng masagot ang mga kwestyong bumabalot sa kwalipikasyon ni Poe.
Nanindigan din si Escudero na mananatili siyang kasama sa laban ni Poe at kwalipikado ito upang tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na taon.
By: Drew Nacino