Matino at disenteng tao si Senior Associate Justice Antonio Carpio kaya’t hindi nito ilalagay sa alanganin ang sarili.
Ito ang ginawang pagtatanggol ni Senate President Franklin Drilon kay Carpio sa mga panawagan na ito’y mag-inhibit sa disqualification case ni Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal o SET.
Giit ni Drilon, mayroong sinusunod na rules ang Korte Suprema pagdating sa inhibition at kung mayroong batayan ang panawagang mag-inhibit si Carpio ay malamang hindi ito madalawang-isip.
Una nang ipinanawagan ang pag-inhibit ni Carpio sa kaso ni Poe dahil ito’y kabilang umano sa makapangyarihang “the firm” na sinasabing kaalyado naman ng Liberal Party.
By: Jelbert Perdez