Idinepensa ni Senador Sherwin Gatchalian na si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng natatanggap nitong pambabatikos matapos ideklara ang Martial Law sa Mindanao at ang posibleng pagdedeklara ng batas militas sa buong bansa.
Iginiit ni Gatchalian na ang Pangulong Rodrigo Dutere ang nakatatanggap at may hawak ng mga pinakamahalagang intelligence information sa mga nangyayari sa bansa
Dagdag pa ni Gatchalian, ang mga natatanggap ng Pangulo na vital information ang nagiging basehan nito ng desisyon kung ano ang dapat gawin para maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa lugar na may krisis o bakbakan
Kahit pa aniya nagdeklara ng martial law at sinuspinde ng Pangulo ang Writ of Habeas Corpus sa buon Mindanao, mayroon namang safeguards sa ilalim ng konstitusyon para maiwasan ang mga pag-abuso at paglabag sa batas.
Una rito, binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pahayag ng Pangulo na maaari niyang ideklara ang batas militar nationwide kapag umabot sa Visayas at Luzon ang karahasang nangyayari sa Marawi City.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno