Diskumpiyado si Senador Sherwin Gatchalian sa planong italaga na lamang sa halip na ihalal ang mga Barangay Official.
Ito, ayon kay Gatchalian, ay dahil maraming komplikadong epekto na maidudulot sa pamamahala sa mga barangay ang pagtatalaga na lamang sa halip na maghalal sa mga uupong opisyal ng barangay.
Mas mabuti anyang kasuhan na lamang o sibakin sa pwesto ang mga barangay official na sinasabing kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte kung nangangamba itong mahalal ang mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ipinunto ni Gatchalian na ang eleksyon ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapalit ng mga opisyal ng barangay.
By Drew Nacino |With Report from Cely Bueno