Diskumpyado si Senador Sherwin Gatchalian na walang pananagutan si retired Police Wally Sombero sa kaso ng pangingikil ng ilang dating Bureau of Immigration Commissioners.
Ayon kay Gatchalian, kilalang professional fixer si Sombero na lumilitaw na naging daan para makapangikil sina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Tiyak aniyang kumita si Sombero sa naging transaksiyon mula sa kampo nina Argosino at Robles at sa kampo ng Gambling Business tycoon Jack Lam.
Mas makabubuti aniyang pag-aralan ang posibleng pananagutan ni Sombero.
By: Avee Devierte / Cely Bueno