Hinikayat ni senador Sherwin Gatchalian ang NIA o National Irrigation Authority na itigil na ang paniningil ng isf’s irrigation service fees mula sa mga magsasaka at kooperatiba ng mga magsasaka.
Sinabi ni Gatchalian na ang isf’s ay dapat libreng ibinibigay ng gobyerno dahil ang irigasyon ay pangunahing factor sa pagpapalakas ng agricultural productivity, rice sufficiency at food security.
Nababawasan pa aniya ang maliit na ngang kita ng mga magsasaka dahil sa isf’s.
Ayon kay Gatchalian, ang average isf rate na binabayaran ng mga magsasaka kapag dry season ay nasa tatlong kaban kada ektarya bawat taon na minu-multiply sa kasalukuyang NFA price kada kilo ng bigas at 2.5 cavans kada ektarya kada taon tuwing wet season.
Ang NIA ay nangongolekta ng isfs para sa naaning apat napung kaban pataas at ang pondo ay ginagastos sa operation at maintenance bukod pa sa gastos sa konstruksyon ng irrigation systems sa buong bansa.
By Judith Estrada-Larino