Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi niya kinukunsinti ang paglabag sa traffic regulations ng nag-viral na SUV na pagmamay-ari ng Orient Pacific Corporation, kung saan board members ang kanyang kapatid na si Kenneth at ama na si William Gatchalian.
Binigyang diin ng senador na bilang public servant sa loob ng 23 taon, lagi siyang sumusunod sa mga umiiral na batas at patakaran sa bansa.
Dagdag pa ni Sen. Gatchalian, ipinauubaya na niya sa Land Transportation Office ang pagresolba sa naturang isyu.