Hiniling sa Sandiganbayan ni Senador Sherwin Gatchalian na makabiyahe sa Germany mula April 22 hanggang 30.
Nakasaad sa inihaing motion for leave to travel abroad ni Gatchalian na inimbitahan siya ng isang German political-educational foundation na dumalo sa study information program for politicians, experts, academics and advocates from Southeast Asia.
Matatandaang si Gatchalian ay nahaharap sa kasong graft, malversation at paglabag sa manual of regulation for banks hinggil sa maanomalyang pagbili ng thrift bank noong 2009.
Oktubre 2016 nang ibasura ng Sandiganbayan ang lahat ng kaso laban sa senador.
Pero, kinakailangan pa rin ni Gatchalian na mag-secure ng travel permit mula sa korte dahil mayroon siyang nakabinbing motion for reconsideration para sa dismissal ng kanyang kaso, ayon na rin sa 4th Division Office of the Clerk of Court.
By Meann Tanbio