Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa mga establisyimyento na mas maging mahigpit sa kanilang pagbabantay, tiyakin na gumagana ang CCTV cameras at maging alerto sa anumang kahina-hinalang kilos.
Kasunod na rin ito ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila.
Iginiit ni Gatchalian na dapat na gawin ng mga establisyimyento ang kanilang obligasyon na pangalagaan ang kaligtasan hindi lamang ng kanilang mga parokyano kundi maging ng publiko sa pangkalahatan.
Kumbinsido ang Senador na hindi gawain ng teroristang grupo ang naganap na kaguluhan sa Resorts World Manila at sinasamantala lamang ng mga taong wala sa wastong pag-iisip ang sitwasyon sa Mindanao at magpanggap na konektado sa ISIS o Maute.
By: Meann Tanbio